Bataan Nuclear Power Plant sisipatin ng mga senador

Sisipatin ng senate committee on energy ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Morong, Bataan kung uubra pa itong gamitin o hindi matapos ang pagkatengga nito sapul nang matapos ang kons­truksyon noong 1984.

Kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian na tutungo siya sa BNPP ngayong Biyernes para personal na makita ng lagay ng nag-iisang nuclear power plant ng bansa.

Hindi pa maanunsyo ni Gatchalian kung sino pang miyembro ng komite ang sasama sa pagbisita sa BNPP.

Nilinaw naman ni Gatchalian na hindi sarado ang isip niya laban sa paggamit ng plantang nuclear, kundi nababahala lang siya kung uubra pa ang BNPP dahil sa tagal ng panahon na nakatengga lang ito.
(Abante Tonite)

John L.

Duterte Solid Supporter