‘Anti-drug war’ di maiwasang tingnan din ng UN Team – Ex-CHR chief

Hindi maiiwasan na pati ang paggamit at pagtutulak ng illegal drugs ang maging bahagi ng pagsusuri ng 18-man UN team sa susunod na linggo.
Ito ang pananaw ng dating chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) Loretta Ann “Etta” Rosales sa interview ng Bombo Radyo.

Aniya, hindi man makakasama sa naturang review ang extrajudicial killing na siyang kontrobersyal na issue na binabato ngayon sa Duterte administration bilang kinalabasan ng intensified war nito laban sa illegal drugs, ngunit makakasama sa pag-imbestiga ang tungkol sa ekonomiya, social at cultural rights.

Ipinaliwanag ng human rights advocate na kung walang trabaho ang isang tao, madalas droga ang kakapitan nito sa pamamagitan ng pagtutulak.
Ang UN team ay darating sa Pilipinas sa Setyembre 28-29 upang magsagawa regular review tungkol sa human rights situation sa bansa.
(Bomboradyo)