AGAW-EKSENANG MALAPALOS SA IMBESTIGASYON NG KASO NI HORACIO CASTILLO -PANOORIN

Nasa ilalim na ng kustodiya ng Manila Police District (MPD) ang lalaking nagpakilala bilang si Arvin Tan na nanggulo sa himpilan ng pulisya matapos siyang mahuli na kinukunan ng video ang Uber driver na isang potensiyal na testigo sa kaso ng namatay sa law student na si Horacio Castillo III.



Sa naunang ulat ng GMA, nagtungo si Tan sa MPD Homicide section upang ireklamo ang diumano ay nanutok sa kanya ng baril sa MPD Station 8, subalit habang naroon siya ay kinunan niya pala ng video ang Uber driver na ini-interview ng media hinggil sa nalalaman nito sa kaso ni Castillo.

Hinabol siya ng mga pulis nang malaman ang ginawa niyang pagkuha ng video at doon na nagsimula ang kaguluhan na humantong sa pagtakas ni Tan sakay ng kanyang kotseng black Toyota Camry na may plakang ACA 3829. Nakita sa windshield ng kotse ni Tan ang sticker ng Presidential Security Group.

John L.

Duterte Solid Supporter